Saturday, August 09, 2025

BALIK LOOB SA BLOGGING : KWENTO, KAPE AT KAUNTING DRAMA

It’s 2025, and honestly, I never thought I’d be able to open this account again.


Parang kahapon lang, sobrang frustrated ako kasi hindi ko na-retrieve ang jlofied.com. Nakalimutan ko kasing magbayad ng .com fee (lesson learned!), and now, imagine—binibenta na siya for 4,000 US dollars! Para bang may bahay kang iniwan sandali, tapos pagbalik mo, mansion na siya… pero may gate na at hindi ka na makapasok.

Naalala ko tuloy yung simula ko sa blogging. Dati, simple lang talaga—parang online diary. Ang peg ko nga noon? Doogie Howser, M.D. Naalala niyo ba ‘yun? Yung tipong magta-type lang siya sa computer at magre-reflect sa araw niya. Walang pressure, walang algorithm, walang “engagement rate.” Basta kwento lang.

Pero ngayon, iba na. Ang tindi na ng social media. Minsan, kapag naglabas ka ng mas personal na kwento, either mababash ka o kaya parang nakalantad masyado ang buhay mo sa publiko. Kaya minsan, tahimik na lang tayo, ‘di ba?

Pero ayun, balik tayo sa simula. Gusto ko ulit mag-blog ng walang iniisip na "May magbabasa ba nito o wala?" Kasi sa totoo lang, kahit walang likes o shares, may saya sa pagsusulat para lang mailabas mo yung laman ng isip at puso mo.

So, hello ulit sa space na ‘to. Dito muna tayo magkwe-kwentuhan ng mas malalalim—yung tipong parang magkaibigan lang tayo na nagkakape sa hapon, nagbubukas ng mga kwento na hindi mo basta ikinukwento sa lahat.






No comments:

Post a Comment