Sunday, February 28, 2021

LAS CASAS FILIPINAS DE ACUZAR : HERITAGE WALKING TOUR & ROMANTIC DATE IDEAS

    Hindi man naging maganda ang takbo ng taong 2020 sa ating bansa maging sa buong mundo, hindi ibig sabihin na titigil na sa pag-ikot ito. Ika nga, it’s  time to move on at harapin ang mga bagay bagay at problema ng may panibagong pananaw.  Pero may isang lugar dito sa Pilipinas na parang tumigil ang panahon at parang nag time travel ka nuong panahon ng mga Kastila. Kung ultimate throwback ang trip nyo, samahan nyo akong mag time travel sa panahon ng mga kastila dito sa LAS CASAS FILIPINAS DE ACUZAR.

    Ang kaisa-isang heritage theme park dito sa Pilipinas, with 400 hectares beside the West Philippine sea, ito ang Las Casas Filipinas de Acuzar.  Ang ibig sabihin ng mga salitang ito  sa tagalog ay  Ang mga bahay Sa PIlipinas ni Acuzar. Owned by Mr. Jose Rizalino “Jerry” Acuzar of The New  San Jose Builders. Nagsimulang magkolekta ng bahay si Mr Acuzar nuong year 2000, at nabuksan lamang para sa publiko ang Las Casas nuong 2010.

    Year 2019 nuong una akong bumisita dito sa Las Casas. Punong puno ang aming mga mata, puso at isipan nung mga panahong iyon. Panahong pwedeng magdikit-dikit at mag party party!  Kaya naman excited akong makabalik muli.  Halos isang taon ding hindi nakapag-travel ng dahil sa pandemia, kaya naisipan naming bumisita muli at balikan ang kasaysayan ng nakaraan dito sa Las Casas.


HERITAGE WALKING TOUR

    Alamin ang mga kwento sa likod ng mga lumang bahay dito sa Las Casas. Bawat kwarto at bawat sulok ng mga ito  ay mga nakatagong istorya. Mga piping saksi ang bawat pader, o haligi na para bang naghuhumiyaw ibahagi sa atin ang kanilang mga nakaraan. 

    We joined the Heritage walking tour. At kahit second time ko na, echoserang frog parin ako sa mga mga ilang kwento na nababalot dito.

    Natapos ang aming maghapon ng pagod ang aming katawang lupa pero busog ang aming mga puso. Masarap balikan paminsan minsan ang mga aral ng nakaraan. Nakatutuwang isipin na ang mga lumang mga bahay na ito ay mga saksi sa mga pinagdaanan ng ating mahal na Pilipinas.

                Sa pagtaas ng araw, 
                kasama nito ang aking dalangin,
                na makamit parin ng aking Inang Bayan
                ang Kalayaan.

                Kalayaang maka alpas sa tanikala ng kahirapan.
                Kalayaang makapagpahayag ng sariling pananaw.
                Kalayaan ng mga musmos na lumaki ng maayos at masagana.

                At sa paghimbing nitong gabi, 
                ilang oras na lamang ay sisikat na magmuli.
                At sa ating muling pagkikita,
                kasama mo ang pag-asa na lahat ng aking dalangin ay makakamit.