Saturday, March 21, 2015

That Thing Called Wedding : Mga Pamahiin at Paniniwala sa Araw ng Kasal

Sa ilang taon ko na rin na ruma-raket  bilang Wedding Planner and Coordinator, marami na akong mga narinig na mga pamahiin mula sa bawat pamilya ng Bride and Groom. Iba -ibang paniniwala, pamahiin at kasabihan, depende kung saang panig sila ng mundo nagmula.

Mismong sa araw ng aking kasal marami akong narinig mula  kay tyang at tyong, kay  ninong at ninang, kay friendship at lalong lalo na sa mga kapit-bahay. Hindi ko tuloy minsan maintindihan kung masaya ba sila na ikakasal ka na o ayaw nilang matuloy ang araw ng kasal sa dami ng mga pamahiin. Sa dami ay halos hindi ka na gagalaw para paghandaan ito.

Kaya naisip kong pagsasamahin ang ilan sa paniniwalang aking narinig sa loob ng labing limang taon kong pag-kokoordineyt ng mga kasalan. May nakakatawa, may nakakainis, may dahil sa kultura at kinalakihan na, may iba namang may  lohiko kahit papaano. Mukhang marami ring "nag evolve" dahil sa papasa pasang paniniwala mula pa ng panahon ng ating mga ninuno.


The Maid of Honor as the Dummy Bride

Hindi ba kayo nagtataka bakit ang maid of honor ay mas bongga ang kasuotan kumpara sa ibang bridesmaids? O bakit kaya sya ang pinakahuli sa pila sa entourage bago ang bride? May paniniwala ang iba na mga espiritung ligaw ay nagtatangkang agawin ang bride sa groom sa araw ng kasal. At dahil dito ang maid of honor ay ang syang solusyon sa ganong sitwasyon. Maaring malito ang kaluluwang ligaw kung sino ang tutuong bride, at hindi na matutuloy ang binabalak nitong pang-aagaw sa bride.

Hindi kaya malito rin ang groom kung sino ang totoong bride nya?

Ang Lumingon Pangit : Bawal Lumingon Habang Nasa Altar

Ang paglingon ng isa sa ikinikasal ay senyales na may "regret" eto sa kanyang desisyon na magpakasal at hindi pa sya handa. 

Subukang gawin eto at makakarinig ka ng mga bulung-bulungan mula sa mga tsismosa ng simbahan.


Sabay Dapat! Walang Unahan!

Sabay dapat ang ikakasal mula sa paglakad at paglabas ng simbahan  hanggang sa resepsyon at matapos ang selebrasyon. May paniniwala na kung sino ang madalas mauna sa paglalakad ay sya ang magiging "bossy" and magiging "under" ang madalas mahuli sa paglakad.



Walang 1st fitting, 2nd fitting and final fitting

Nakalakihan na nating mga Pilipino ang paniniwalang bawal isukat ang "traje de boda", sa paniniwalang hindi matutuloy ang kasal.





Pagkain ng Minatamis

Pinaniniwalaan na ang unang pagkain na dapat pagsaluhan ng ikakasal ay matamis na nag sisimbolo ng "sweetness" at "romance". Ang iba ay pinapakain ng ng minatamis bago pa lamang pumasok sa resepsyon bilang pagtupad sa paniniwalang eto.

Hindi kaya dapat keso para cheesy?


Bawal Magsuot ng Perlas ang Bride

Pinaniniwalaan din ng iba na ang perlas ay sumisimbolo ng patak ng luha. Kapag naka perlas ang bride sa araw ng kasal ay hindi ito magiging masaya sa buhay may asawa at madalas lamang malungkot at  iiyak.

Patay Sinding Kandila

Ang biglang pagkamatay ng apoy sa kandila sa may tabi ng ikakasal, ito ay maunang mamamatay sa kanyang kabiyak.

Ingatang Mahulog ang Wedding Ring, Veil o Arrahae

Ang pagkahulog ng wedding ring, veil o arrhae ay pinaniniwalaang magdadala ng kalungkutan sa ikininakasal. Kaya sinasabihan ang mga secondary sponsors na ayusin ang paglagay ng belo at paghawak ng wedding ring at iba pa.


Ito ay ilan lamang sa mga pamahiin at paniniwalang aking madalas marinig sa pamilya ng aking naging kliyente. Maaring nakakatawa ang iba at hindi na uso sa makabagong panahon ngayon, pero aminin nyong sumunod din kayo at naniwala sa ilan sa mga ito.


No comments:

Post a Comment