Monday, August 20, 2018

Ang Huling El Bimbo : Pagbabalik Tanaw sa Nakaraan

"Gusto mo ba?......Gusto mo ba?...... Gusto mo bang......sumama?"

Pagkatapos manuod ng Huling El Bimbo, umuwi akong nag-iisip.  

Iniisip ko nung mga panahong nasa kolehiyo ako.  Kamusta na kaya ang mga kaklase ko?  Kamusta na din kaya yung palagi naming tinatambayan tuwing lunch time? Nagbebenta pa din kaya sila ng estopado?  Isa ito sa mga paboritio naming ulam nuon.  Kamusta na din yung computer shop na lagi din naming tinatambayan nuon? Dami kong naubos na pera kaka-rent duon.

Kamusta na kaya yung mga manliligaw ko?  Kamusta na din pala ang mga crush ko nuon?  Tumaba na din kaya sila?  

At isa isa kong binalikan ang mga ala-ala.

Ang mag joy ride sa Antipolo at mga inuman sa Tia Marias sa Greenhills kahit walang pera.  Memorable eto kasi first time kong malasing.  I was only 16 years old.  My gash, bawal pero nakainum padin ako at nalasing.  Buti walang nangyari, hindi katulad ni ..........<spoiler alert>

Kamusta na ang Club Dred?  Kamusta na din ang mga paborito kong banda katulad ng Introvoys. Naalala ko, may nagawa pa akong tula para sa kanila. Minsan isang panahong nag-concert sila sa university, isa ako sa mga organizers kaya hanggang ngayon naalala ko ang mga pag-papatawa ni Paco Arespacochaga sa back stage.

Bigla ko ding naalala yung kaklase kong nagintroduce sakin sa musika ng Eraser Heads. Tinanong ko sya bakit ganyan ang lyrics, may pagmumura pa?

Kamusta na din pag-rarally namin sa harapan ng Pop-eye.  Ano nga ba ang ipinaglalaban ko nuon?  Karapatang pang-tao?  Pagbaba ng tuition fee?  Ano nga ba?

Kamusta naman din ang mga sandamakmak na org na sinalihan ko?  May mga sikat na ba sa kanila?  May mangilan ngilan napapanuod ko sa entablado.  Meron ding sikat na napanuod ko minsan sa Ms. Saigon.  Meron ding may mga sumikat na na album.  Masaya ako para sa kanila.

Minsan sa may Theresa, tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kanya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sekretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo

Maraming masasaya, malulungkot, mga struggles na pangyayari.  Ngunit sabi nga sa kasabihan "Our past makes us who we are in the present and based on the decisions we made and are going to  make in the future, will decide our fate..."

Masarap din minsang balikan ang mga nakalipas na alaala.  Maraming Salamat sa aking mga tunay na kaibigan!

_______________________________

Malamang isa din eto sa naging epekto sa inyo pagkatapos nyong manuod ng Huling El Bimbo! o di kaya'y magiging epekto sa inyo para sa mga hindi pa nakakapanuod.

Pwede pang humabol hanggang September 2 nalang.

Source :  Resorts World Manila's website
_______________________________
Ang Huling El Bimbo is a story of friendship told through the songs of the most iconic Pinoy rock band from the 90's.  It is an original story that should resonate with people who understand how the powerful bond between friends shapes our lives. It will also be a nostalgic journey, driven by songs that have become part of the collective Pinoy psyche.

Written by prolific playwright Dingdong Novenario, the musical will feature a stellar production team headed by one of today's most respected stage directors, Dexter Santos.

_______________________________

Some of our Photos during the Gala Night
with Ely Buendia of Eraser Heads
with the main cast
Mark G., Boo Gabunada, JLo, Tanya Manalang, Bibo Reyes, Reb Atadero

JLo and Mark with the El Bimbox
 

No comments:

Post a Comment