Monday, October 28, 2019

Tips and Tricks For Your Next Halloween Party

I don't know how I will start this, but I just want to share my thoughts since maraming nagtataka at nagtatanong sakin sa Chat. Paano nga ba kami nakakapunta sa mga ganitong event? Di naman tayo VIP at wala tayong kilala na may alam sa mga ganitong event, Hindi natin anticipated na may ganito pala? 

So for us to be aware of incoming events let me share some tips and guide on how to join a Halloween Party.

Mommy Chrissa and Baby Xia
1. Set your Calendar

End of September to 1st-2nd week ng October, start na yan ng promotion ng ibat-ibang play grounds, malls at hotels. Pero para makita mo yung sample list ng mga Halloween Party sa Manila, check mo muna dito sa site na to, Mommypracticality.com.  Every year, nagpopost sya saan ka pwede mag join both Easter and Halloween Party. Updated sya.



2. Plan

Plan your budget, venue and what costume to dress your kid.



3. Save

Honestly hindi talaga practical ito kaya we need to save for this para hindi magalaw ang budget. Syempre wala namang free sa panahon ngayon pero meron din namang free.  

But expect na mas maraming mag-jojoin na kids kaya limited lang din ang makukuha mo. Kasi kung mag aavail ka ng ticket that will also includes snacks or buffet for adult at maraming loots na pwedeng itake-home si baby mas sulit.



4.Choose your Venue Hotel/Mall/Play Ground

Depende kasi kung anong prefer mong place.  If it's nearby or within metro manila also kung ano ang theme or kung gusto mo ba snacks or buffet ang food? Pwede rin, yan kasi madalas kong kino-consider since may kasama akong food is life, basta may food sasama sya.



5. Inquire

Minsan kahit may poster na at promotions kailangan pa rin natin mag inquire para sa other discount at hidden promotion like kapag 3 yrs old below ay free.



6. Avail your Ticket

Ito na, kapag check ka na sa lima, avail na agad ng ticket. 

Dapat maagap ka kung gusto mong makatipid ,check na agad sa MetroDeal at bili na agad for early bird discount, kasi super bilis din maubos ng ticket specially hotels. Minsan na akong naubusan ng ticket kaya ngayon lagi na ako nagpprepare para makabili agad ng ticket.



7. Choose your Child's costume

Ayan, kapag may ticket ka na costume naman ang iisipin mo. Tips para may chance ka manalo? Lagi mo itutugma yung Costume ng baby mo sa Theme. 

Dito sa party na sinalihan namin sobrang dami nag suot ng same costume ni Xia pero sya lang kasi yung pasok na pasok ang costume. I think yung magnifying glass ang nagdala. Kasi sya lang yung meron props. Hahaha!!! Which is sobrang hirap na hanapin ngayon. Luckily nabili ko sya sa isang antique store. oh diba effort? Tapos yung top nya Ukay-ukay at yung skirt sa tiangian ko lang binili since isang beses lang naman gagamitin, ginupit gupit ko na lang para magkasya sa kanya  Sabi nga nila effortan mo na kasi once a year lang naman.



8. Supportive Family

Believe me, isa to sa mga kailangan mo, moral at financial support. 

Like supportive partner at family na sasamahan ka para ganahan ka sa mga trip mo. Minsan kasi nakaka-boost din ng confidence kapag gusto rin nila yung ginagawa mo both for your family and for your children. Kaya I salute sa mga Lolo/Lola at Tita's/Tito's of Manila na sila pa bumibili ng costume ng mga bagets.

9. Patience

Dapat marami kang baon na pasensya, specially for toddlers.

Like kay Xia na may stage fright at ayaw nya sa maraming tao. Kaya ayun ang ending karga at iyak ang ginawa. Kaya super explain at pang-uuto ang ginawa namin para marelax sya at mag enjoy sa party

10. Join the Games

Experience din natin mga Mommy and Daddy yung mga games. Mas ma-boboost ang confidence ng mga bata kapag nakikita nila na game na game din ang parents nila also remind them if they want a price they need to join the game and win. Parang sa buhay kapag may gusto ka kailangan mo munang pag hirapan 

Ayan po yung 10 tips ko para sa mga may plano or gusto mag-join sa mga event next year. Specially first time mommies! Hindi naman kasi natin naexperience to nung mga bata pa tayo kaya let the children experience this fun occasion. 

That's why I highly suggest to consider this 10 tips from me. This can be a highlight sa childhood experience ng ating mga bagets.  Siguro di pa nila talaga maiintindihan bakit kailangan mag costume, pero I think happy naman sila with the toys and candies na nauuwi nila galing sa party.



_______________________________________

Words by : Chrissa Rance 

A young mother to 2 year-old Xia, Chrissa juggles motherhood and her career as an IT practitioner.  Despite her busy schedule, Mommy Chrissa still finds time to attend to her online store to augment her income.

No comments:

Post a Comment